
Saturday, March 14, 2009
Kung iisipin, ano na lamang kaya ang buhay ng mga kabataan kung walang guro at paaralan? May pag-asa pa kaya na sila ay matuto? Paano naman kaya matututo ang mga estudyante sa loob ng paaralang puro katiwalian? Paano sila mahuhubog na maging isang mabuting mamamayan ng bansa kung ang mga taong dapat na magsilbing halimbawa ng mabubuting gawain ang nagpapakita sa kanila ng mga bagay na mali sa paningin ng kahit sinong indibidwal?
Ilan lamang kami sa milyun-milyong kabataan na nakakakita at pikit matang tinatanggap na lamang ang mga katiwalian sa loob ng itinuturing naming pangalawang tahanan. Mga kamaliang bumago sa pagtingin namin sa ilang mga guro. Marahil ay nais na ninyong malaman ang mga bagay na nais naming sabihin at ipabatid sa inyo. Gusto naming ilahad ang mga bagay na aming natuklasan hindi lamang sa aming mga guro kundi pati sa kapwa namin mag aaral.
mga lunarian po kami.:)
Thanks to all the blogs i referred to(countless) for html code help :) (esp.cyn'and sixseven)
Adobe Photoshop Elements for supernatural abilities