
Monday, April 6, 2009
"WOW!!!! wat a nice words!!! Alam mo kung may alam kang mga bagay bagay, it's better na tumahimik ka na lang!!! OKAY!!! kasi nakakasira ka ng reputasyon ng mga guro!!! Kailangan, kahit maging sino pa man ang ating mga guro, bigyan natin sila ng RESPECT!!! Kasi tandaan natin na mas mataas sila kaysa sa atin!!!!At ayon sa aking obserbasyon, hindi ka naman direktang "INVOLVED" sa mga expose na isinisiwalat mo ah!!!! Hmmm... Ano tong friendster account mo,bagong gawa lang ito para mapagtagpan mo yung tunay mong katauhan!!!! As the saying goes; "RESPECT begets RESPECT"!!!"
March 22,2009. 6:47 pm. Yan ang eksaktong araw at oras na isinend sa friendster ang comment na ito mula sa EXCELLENCE. Nakakatawang isipin na ang pinakamataas na seksyon sa ikaapat na taon ay ganito mag-isip. Pananahimik. Hindi ba ninyo napag-aralan na ang pananahimik ay isang uri ng PAGSISINUNGALING upang maitago ang katotohanan? Bakit natin hahayaan na magpatuloy sa serbisyo ang mga guro na hindi naman gumagawa ng tama mismo sa mga estudyanteng kanilang hinahawakan? Hindi niyo ba naisip na may reputasyon din ang mga estudyanteng naging biktima nila? Kahit kailan hindi sila naging mas mataas dahil pantay-pantay lang tayo lalo na sa usapan ng dignidad. At ano, RESPECT BEGETS RESPECT?! Paano mo makukuhang respetuhin ang isang taong ni sa sarili niya ay walang respeto? Hay naku. Iba-iba pala talaga ang pananaw ng mga lunarians. Mabuti na lamang at may isa pa kaming tunay at tapat na kaibigan.
Thanks to all the blogs i referred to(countless) for html code help :) (esp.cyn'and sixseven)
Adobe Photoshop Elements for supernatural abilities